Â
Gen 9:1-13 Slm 102 Mk 8:27-33
Mk 8:27-33
Pumunta si Jesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa'y tinanong niya ang kanyang mga alagad : “Sino raw ako ayon sa mga tao?†Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa Mga Propeta kaya.â€
           At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?â€Â At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.â€Â At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.
           At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong araw. At buong tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. Ngunit pagtalikod ni
Jesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan niya si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo kundi mula sa tao.â€
PAGNINILAY
Ang Mesiyas o Kristo sa mga wikang Hebreo at Griyego tumutukoy sa isang taong “pinahiran.â€Â Sa sinaunang Israel, karaniwang ginagamit ang salitang ito sa mga hari. Kaya ang Mesiyas na inaasahan ng Israel, isang haring nagmumula sa lahi ni David. Titipunin niya ang kanyang bayan laban sa mga kaaway nito, at tutulungan siya ng Diyos upang magtagumpay. Kaya’t hindi matanggap ni Pedro ang sinabi ni Jesus na kailangan nitong magdusa at mamatay. Papaano nga ba naman magiging hari ang isang talunan? Mga kapatid maaaring kinatatakutan din ni Pedro na mawawala ang maraming tagasunod ni Jesus, sa sandaling malaman nila na Siya’y itatakwil, pahihirapan at papatayin ng mga ayaw maniwala sa Kanya.  Sa panahon natin ngayon, isang napakalaking hamon din ang magpaka-Kristiyano sa gitna ng mundong pinangingibabawan ng katiwalian, karahasan, kawalan ng hustisya at pagpapahalaga sa moralidad at buhay ng tao. Kailangan natin ng matibay na pananampalataya at lakas na nagmumula sa Diyos upang mapaglabanan ang masasamang puwersang ito. Bilang isang mabuting Kristiyano, inaasahan tayong maninidigan kung ano ang tama at kalugod-lugod sa Diyos at huwag padadala sa masasamang sistema na umiiral sa lipunan. Sa ating pagsisikap na magpaka-Kristiyano at gumawa ng mabuti, siguradong maraming taong sasalungat sa atin, magtatakwil, magpapahirap at ang iba pa nga pinapatay. Hilingin natin sa Diyos ang biyaya ng katatagan ng pananampalataya sa gitna ng mga pag-uusig na ating dinaranas sa pagsabuhay ng Kanyang Salita.
