Interesado ka bang malaman ang mga sikreto ng tagumpay? Isang mapagpalang araw ng Lunes mga Kapanalig! Ako po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul , na nagaanyaya para sa sama-samang pagninilay sa Mabuting Balita ngayon.
EBANGHELYO: Mk 9:14-29
nakapalibot sa kanila at nakikipagtalo naman sa kanila ang mga guro ng Batas namangha ang lahat pagkakita sa kanila at tumakbo sila para batiin siya. Itinanong naman niya sa kanila: “Bakit kayo nakikipagtalo sa mga ito? “At sinagot siya ng isang lalaki mula sa mga tao: “Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalaki na inaalihan ng isang piping espiritu at kung hinahagip siya nito inilulugmok siya sa lupa bumubula ang kanyang bibig nagngangalit ang mga ipin at naninigas, hiningi ko sa iyong mga alagad na palayasin ito subalit hindi po nila kaya. Sumagot si Hesus “mga ligaw na tao kayo gaano pa katagal akong mananatili sa piling ninyo hanggang kailan ako magtitiis sa inyo, dalhin siya rito sakin.” At pinalipit nila siya kay Hesus pagkakita sa kanya ng espiritu pinangatog nito ang bata at inilugmok sa lupa kaya nagpagulong-gulong siya at bumubula ang bibig. Tinanong naman ni Jesus ang ama: “Gaano na katagal na nangyayari ito sa kanya?” At sumagot ang ama: “Sapul pa sa pagkabata at madalas nga siyang inihahagis sa apoy o sa batis para patayin. Ngunit kung kaya mo, maawa ka sa amin, at pakitulungan kami.” Sinagot siya ni Jesus: “Ano itong ‘kung kaya mo’? Lahat ay posible sa sumasampalataya.” at agad na sumigaw ang ama ng bata sa pagsasabing “Sumasampalataya ako pero tulungan mo ang kaunti kong pananampalataya.” Nakita ni Jesus na nagsisitakbo at lumalapit na ang mga tao kaya iniutos niya sa masamang espiritu: “Pipi at binging espiritu, iniutusan kitang lumabas sa kanya at huwag nang bumalik.” Nagsisigaw ang espiritu at nilugmok sa lupa ang bata bago lumabas at animoy patay ang bata kaya marami ang nagsabing patay. Ngunit pagkahawak ni Jesus sa kamay nito, pinabangon niya ito at pinatindig. Pagkapasok ni Jesus sa bahay, tinanong siya ng mga alagad ng sarilinan:” “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sa panalangin lamang mapapalayas ang ganitong espiritu.”
PAGNINILAY
Mapalad talaga tayo, kapanalig. Imagine, may secret of success na ipinagkatiwala sa atin ang ating Panginoon.Sinabi ni Jesus napanalanginang Lihim ng Tagumpay . Tagumpay para pagyamanin ang kabutihan. Kaakibat ng panalangin ang pananalig. Na sa pagdarasal, taos sa puso at matatag ang paniniwala natin na magaganap ang itinataas natin sa Kanya. Isa sa mga napatunayan ng ating Simbahan na nagsabuhay ng Lihim ng Tagumpay ay si Blessed James Alberione. Tagapagtatag siya ng Pauline Family. “Secret of Success” ang tawag niya sa written promise sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu. Isinuko ni Blessed James ang sarili at nanalig Siya nang noong oras na iyon, tinatawag siya ng Diyos na magkaroon sila ng kasunduan. Covenant. Ito ang ipinamana niya sa amin bilang pamilyang Paulino, at ipinagkakatiwala rin naming sa inyo ang lihim na ito. Una, ang paghahain ng hiling sa Panginoong Jesukristo. Ikalawa, ang pangako na harapin ang hamon ng pagtalima sa kalooban ng Diyos. Pangatlo, ang pagtanggap ng sariling kahinaan at pagtitiwala sa ispiritwal na lakas na mula sa Diyos. Ika-apat, ang pananalig naimu-multiply ni Lord ang bunga ng pagsisikap na matutosa lahat ng nararanasan natin, ang madagdagan ang pinagsisikapan natin sa banal na gawain, at pagyamanin ang sarili naming karalitaan. Ika-lima, ang pangako sa misyon na ipalaganap ang kabutihan mula sa Diyos at ang Kaharian ng Diyos. Ito angLihim na hindi dapat ikimkim. Ipalaganap mo na rin.