Isang maligayang araw ng Miyerkules mga kapatid kay Kristo! Dakilain natin ang Dios ng Pag-ibig! Pasalamatan natin ang Dios ng pagkakaisa. Ito po muli si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul na nag-aanyayang ihanda natin an gating puso at isip sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ngayon, ayon kay San Markos kabanata siyam, talata tatlumput walo hanggang apat-napu.
EBANGHELYO: Mk 9:38: 40
Sinabi ni Juan kay Jesus: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Jesus: “Huwag n’yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang di natin kalaban.”
PAGNINILAY
Sinasabing ‘NO one has monopoly of the Holy Spirit’. Kaya ang ating Inang simbahan bilang lsang listening Church ay tinatawag na magkaroon ng encounter o pakikitagpo sa iba upang makinig. KInakailangan nating alamin ang mga tinuturo ng Simbahan, at ng Santo Papa para maiwasan nating maging heretic. Kaya nga ang paanyaya ng Synod on Synodality na patuloy pa nating ginagawa hanggang taon 2023 ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na makinig sa isa’t-isa. Binibigyang daan ng mga pinuno ng Simbahan na marinig ang boses ng mga taong nasa laylayan ng lipunan. Ma ipahayag ang kanilang karanasan, saloobin at pananaw sa naging karanasan nila sa Simbahan. Silang mga kapatid nating sa madalas ay hindi rin nag bibigay ng pagkakataon makisangkot sa mga Gawain kahit sa kanilang parokyang nasasakupan. Mga kapatid, kailangan nating maging bukas kung nais nating tunay na makapaglingkod. Alalahanin natin na may kagandahan kahit sa ating pagkakaiba—ng relihiyon, idelohiya, pinahahalagahan, antas ng pamumuhay at pinag-aralan. Matuto nawa tayong igalang ang ating kapwa. Iwasan ang kaisipang tayo lang ang matuwid at tama. Magkakaroon ng kahulugan ang ating nais na makatagpo ang ating mga kapatid kung kinikilala din natin sa kanila ang sarili nilang kagandahan. Wala sa ating mga kamay ang kakayahang baguhin ang ating kapwa pero tayo ay may kakayahang ipadama ang pagmamahal at pagaaruga ng Dios. Sa ebanghelyo, tinuturo ni Jesus na kakampi natin ang sinumang nagpapahalaga sa mga Gawain ng Dios. Tayo ay may Isang Ama sa Langit, Siya ay Ama ng lahat. Dagdag pa ni San Pablo apostol: “nagagawa ng Dios ang kanyang mga gawa sa lahat ng uri ng tao, maging Kristiano man, iba ang reliyon at kahit sa walang relihiyon. O Jesus, dagdagan mo ang lawak ng aming pagtanggap sa aming kapwa ng kamiy tunay na makapaglingkod sa tanan. Amen