Nagsisilbing lakas ng bawa’t mananampalataya ang Salita ng Diyos! Isang maligayang araw ng Huwebes mga kapatid kay Kristo! Dakilain natin Siya sa mga kahanga-hangang bagay na Kanyang ginawa ! Ako po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul na nag-aanyayang samahan kami sa pagninilay ng Mabuting Balita ngayon.
EBANGHELYO: Mk 10:17-27
Isang tao ang patakbong sumalubong kay Jesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Jesus : “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos:Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama’t ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Jesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Jesus sa paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Jesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang maliligtas?”Tinitigan sila ni Jesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”
PAGNINILAY
Butas ng karayom. Hmmm. Maliit. Masikip. Pero ‘di ba kailangang matatag ang sinulid para makalusot sa mata ng karayom? Pwedeng basain mo ang sinulid para dumiretso o kaya gamitan mo ng wax. Success na iyon para masisimulan mo na ang pagtahi, ang pagsusulsi, ang pagkumpuni, ang pagpapanauli Ang tanong, paano mo mapapatatag ang sinulid? Kapanalig, tatlong W ang kailangan. Una, Willing ka. Oo nga, pro-life ka, faithful ka sa pinakasalanan mo, no-no sa iyo ang pagnanakaw, totoo ang sinasabi mo, iginagalang mo ang parents mo, tulad ng batang lalaki sa Mabuting Balita. Willing kang gawin ito, at “nagsu-swear” ka na ginagawa mo ito. Ikalawa, ang Wisdom Nangangahulugan na may taos naugnayan ka kay Kristo.Patuloy ang pagbata mo sa mga challenges sa buhay. Sa dami ng karanasan, marami ka nang natutuhan. Sa dunong nanaimbak mo, nagiging creative ka sa pagbahagi ng kung ano ang ikakabuti at kasiya-siya sabuhay ng iba. Ikatlo, ang Witnessing Sa hirap na binabata mo para sa kapwa, nararamdaman sa iyo ng mga naghihirapang yakap ng Diyos. Ang mahawakan ang kamay ng Diyos sa iyong mga kamay sa gitna ng panganib. W-W-W. Willingness, Wisdom, Witnessing. Ito ang magpapatatag sa sinulid na kailangang tumagos at makatawid sa kabilang panig. Sinulid na tapat sa misyon para masulsihan ang napinsalang ugnayan, para makumpuni ang kapayapaan sa bawat kalooban, para mapanauli ang sigla sa pagtatag ng walang hanggang Tahanan.