Daughters of Saint Paul

PEBRERO 3, 2020 – LUNES SA IKA-APAT NA LINGGO NG TAON

EBANGHELYO: MARCOS 5:1-20

Dumating si Jesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan. Sa mga puntod siya naktira at di siya maigapos kahit nang mga kadena….Nasa Kaburulan siya araw – gabi, sa mga libingan. Nagsisigaw siya at sinasaktan ang sarili sa mga bato. Pagkakita nito kay jesus sa malayo, patakbo itong lumapit at nagpatirapa sa harap niya at sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus na Anak ng Diyos! Hinihiling ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na huwag mo akong pahirapan.”  ”Hukbo nga ako, marami kasi kami.” At hiningi niya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: ”Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyon.” At pinahintulutan sila ni Jesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao upang alamin ang nangyari. …Ibinalita naman sa kanila ng nakakita kung ano ang nangyari sa inalihan ng demonyo at pati sa mga baboy. Kaya’t hiniling nila kay Jesus na umalis sa kanilang lupain. Pagsakay ni Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Jesus, kundi sinabi niya:”Umawi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo.”Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupaing ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Jesus, at namangha ang lahat.

PAGNINILAY:

Isinulat ni Sr. Lou Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Paano ba tayo makakawala sa tanikala ng kasalanan? Ayon sa unang pagbasa, kapakumbabaan ang magpapalaya sa atin sa pang-aalipin ng kasalanan. Gaya ni Haring David, atin ring aminin na makasalanan tayo at huwag tayong magalit sa hirap na dulot nito. Kapag inamin natin ang ating pangangailangan sa habag ng Panginoon, tiyak na di niya tayo bibiguin. At bilang pasasalamat sa Kanya sundin natin ang kanyang hiling; umuwi tayo sa ating pamilya at ipahayag ang kabutihang ginawa sa atin ng Panginoon hindi upang magyabang kundi upang hikayatin ang iba na lumapit din sa Panginoon nang sa ganon kanila ring matanggap ang awa at pagpapala ng Diyos.