Isang maligayang araw mga kapanalig! Pasalamatan natin ang Dios sa isang linggong nagdaan, sa mga biyaya at pagpapala, lalo na sa biyayang makapagpahinga ngayong week-end. Napakahalaga ng Sabbath Day sa mga Hudyo. Araw ito ng pamamahinga. Inaaanyayahan tayong pagnilayan ang mga dakilang bagay na ginawa ng Dios sa atin. Binigyang diin ito ni Hesus nang yayain niya ang mga apostoles sa ilang na lugar para mapag-isa at makapagpahinga. Pakinggan natin ang kabuuan ng kuwento ayon kay Sa Markos kabanata anim, talata tatlumpu hanggang tatlmpu’t apat
EBANGHELYO: Mk 6:30-34
Pagbalik ng mga apostol kay Jesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman ni niya sa kanila:”Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.
PAGNINILAY
Sa tagpo ng Mabuting Balitang narinig natin, ipinadama ng Panginoong Hesus ang Kanyang pagiging Pastol sa mga tao. Tinipon Niya sila/ sa mainam na pastulan/ at doon pinakain nang sagana ang nagugutom/ sa Salita ng Panginoon. Pinuno Niya/ ng Makalangit na karunungan/ ang mga mangmang, at pinalakas ang loob/ ng mga nanghihina at nawawalan ng pag-asa. Tunay/ na nakapagbibigay buhay ang Salita ng Panginoon, sa katauhan ni Hesus/ at ang sino mang makarinig ng Kanyang Salita, ibig itong ulit-ulitin pa. Ito ang dahilan/ kung bakit marami ang hindi mapigilang sumunod sa Kanya. Sa katunayan, nang mabalitaan ng mga tao/ na pupunta si Hesus at ang Kanyang mga alagad sa ilang, nagpati-una pa sila kay Hesus/ para siguradong may lugar pa sila sa kanyang harapan. Kapanalig, gaano mo pinahahalagahan ang Salita ng Diyos? Naglalaan ka ba ng panahon araw-araw/ upang ito’y basahin, pagnilayan at gamitin sayong pagdarasal?// Nangungusap sa atin ang Panginoon/ sa pamamagitan ng Kanyang buhay na salita. Nagdudulot ito ng kaliwanagan sa ating kalituhan; inaaliw tayo nito/ sa panahon ng pagsubok at dalamhati; ginagabayan tayo nito/ sa tamang daan. Kaya sa mga pagkakataong pinanghihinaan tayo ng loob, nawawalan ng pag-asa, at gusto nang sumuko sa buhay, humugot tayo ng lakas/ at kaliwanagan ng puso at isip/ sa Salita ng Panginoon. Magdasal ng taimtim/ at ipagkatiwala sa Diyos/ lahat ng mga alalahaning /hindi mo na kayang harapin at pasanin. Ito ang pagsuko na hinihingi sayo ng Panginoon – ang lubos-lubos/ at taos-pusong pagtitiwala/ na Siyang May Likha sa atin/ ang may ganap na kontrol sa ating buhay/ at pag-iral sa mundo. Manalig tayo sa Kanya!
PANALANGIN
Panginoon, dagdagan Mo po ang aking pananampalataya/ lalo na sa mga pagkakataong/ lugmok na ako sa kawalan ng pag-asa/ at gusto nang sumuko sa buhay. Nababatid ko po/ na hindi Mo ako susubukin/ nang higit sa aking makakaya; bagkus sa bawat pagsubok/ na pinapahintulutan Mong maranasan ko, may kaakibat na grasya/ upang malagpasan ko ito. Salamat po Sa’yong habag at awa, Amen