EBANGHELYO: Lk 6:39-42
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Puwede nga kayang akayin ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila mahuhulog sa kanal? Hindi hihigit sa kanyang guro ang alagad. Magiging katulad ng kanyang guro ang ganap na alagad. Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid, pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.”
PAGNINILAY
Mula sa panulat ni Sr. Lou Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Mga kapatid, kaya nyo bang makita ang puwing /sa inyong sariling mata? Ako hindi, pero nararamdaman ko ito. Makikita ko lamang ito/ kapag humarap ako sa salamin. Come to think of it, ganito sana ang ideal sa community life. Dahil mahirap makita ang puwing/ sa sariling mga mata, sana magsilbing salamin tayo sa isa’t-isa. At kapag sinabing salamin, totoo dapat ang inilalarawan. This is supposed to be the purpose of fraternal correction. Kapag nakita natin ang kamali-an ng ating kapwa, lalo na kung nakakaapekto na ito sa pamilya at komonidad/ kailangan nating sabihin ito sa kanya/ at yong taong pinagsabihan naman/ ay kailangang bukas ang loob/ na makinig sa feedback ng kanyang kapwa. Sa pamamagitan nito/ maiwawasto natin ang ating mga mali/ at higit na magiging mabuti ang ating pag-uugali. Pero hindi sapat/ na maging mapamuna tayo sa kamali-an ng ating kapwa. Higit na kailangan nating suriin ang ating sarili, kadalasan kasi, gaya ng sinasabi sa Mabuting Balita ngayon/ higit nating napapansin/ ang maliliit na kamali-an ng ating kapwa/ kesa sarili nating mga pagkakamali. Mahalaga ang ating kamalayan sa ating mga kahinaan/ upang kapag pumuna tayo sa kahinaan ng iba/ makikinig sila /dahil nakikita nila sa atin ang pagsusumikap/ na mabuhay nang maayos. Hindi man tayo perfecto, kung sisikapin nating mabuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos, marahil ay pakikinggan tayo. Unahin nating ayusin ang ating sarili, ang ating pakikipagkapwa at pag-uugali. Kung minsan/ higit na kailangan ng ating kapwa ang mabuting halimbawa /kesa magaling na pananalita.