Daughters of Saint Paul

SETYEMBRE 12, 2023 – MARTES SA IKA-23 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON  |  Ang Kamahal-mahalang Ngalan ng Mahal ng Birheng Maria

BAGONG UMAGA

Mapagpalang araw ng Martes ginigiliw kong kapatid kay Kristo.  Ika-labindalawa ngayon ng Setyembre, ipinagdiriwang natin ang Kabanal-banalang Pangalan ni Maria.  Napakagandang pagkakataon ito upang mapagnilayan ang kahalagahan ng pangalan ng Mahal na Birhen na ating tinatawag at hinihingan ng tulong sa ating paglapit sa kanyang Anak.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul.  Halina’t ating pakinggan ang Mabuting Balita sa araw na ito ayon kay San Lukas kabanata anim, talata labindalawa hanggang labing-siyam.  

EBANGHELYO: Lk 6:12-19

Umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag-umaga na, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Jesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad niya, at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang Espiritu. Kayat sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya dahil may kapangyarihang lumabas sa kanya, na nagpapagaling sa lahat.

PAGNINILAY

Isinulat ni Fr. Edward Dantis ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Mga kapatid, kung tutuusin naman talaga, kakayanin ni Hesus bilang Diyos ang lahat ng gawain at misyon niya dito sa mundo. Pero, pinili niyang makisalamuha sa tao, makipag tulungan sa tao sa pagganap ng kanyang misyon.  Kaya tumawag siya ng labindalawang alagad. Bawat isang Apostol na kanyang tinawag, may ibat-ibang pagkatao, kalakasan, kahinaan at ibat-ibang kasanayan. Hindi mga perpektong tao ang kanyang tinawag na mangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos.  Hindi tinawag ng Diyos ang mga marapat, kundi minarapat niya ang Kanyang tinawag. // The late Pope Emeritus Benedict XVI said: The calling of the twelve disciples was a ‘prayer event’. It was the result of Jesus’ intimate dialogue with His Father, and not from the functions they will fulfill or a fruit of deep theological meaning.  Recalling what Matthew 9:38 says, “Ask the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.” Imagine that like the disciples’ calling, our calling too, was also a fruit of prayer, the saints’ prayers, others’ prayers for us, and our prayer for ourselves. // Mga kapatid, ipinagdiriwang din natin ngayon ang Kamahal-mahalang Ngalan ng Mahal na Birheng Maria. Nawa ang naging pag tugon ng Inang Maria sa pagtawag ng Diyos ay maging huwaran din natin sa pag tugon sa tawag ng Diyos na mag lingkod sa ating kapwa. Amen.