EBANGHELYO: LUCAS 7:1-10
Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti hanggang matagpuan ito? At pagkakita rito’y tatawagin ang mga kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sinasabi ko sa inyo na ganito rin sa mga anghel ng Diyos, magkakaroon ng kagalakan para sa isang makasalanang nagsisisi.”
PAGNINILAY:
Namangha si Jesus sa pananalig ng Romanong kapitan sa kakayahan niyang mapagaling ang alipin nito sa pamamagitan lamang ng kanyang salita. At dahil sa pananalig na iyon, gumaling nga ang kanyang alipin. Bukod dito, siguradong namangha din si Jesus sa ipinakitang pagpapahalaga ng Romanong kapitan sa kanyang alipin. Sa ating panahon, parang eksena ng isang CEO ng malaking kumpanya na may pagpapahalaga sa isang janitor. Hindi ba kahanga-hanga at hindi pangkaraniwan? Tayo kaya? Kailan yung huling beses na nginitian at pinasalamatan natin ang guwardyang nagbukas sa atin ng pintuan? Sana, simula sa araw na ito, muli nating ibalik ang mabuting kaugalian ng pagsasabi ng salamat sa lahat ng taong makakasalamuha natin. Dahil sa simpleng gawa o salita naipapakita natin ang pagpapahalaga natin sa kanila.
– Vhen Liboon