BAGONG UMAGA
Mapayapang araw ng Miyerkules ginigiliw kong kapatid kay Kristo. Purihin ang Diyos na dakilang Manggagamot! (Sa lahat ng mga may karamdamang nakikinig ngayon, sama-sama nating idulog sa Panginoon ang pangangailangan natin ng kagalingang pisikal at espiritwal.) Ito po muli si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul. Pakinggan na natin ang Mabuting Balita ayon kay San Lukas kabanata apat, talata tatlumpu’t walo hanggang apatnapu’t apat.
EBANGHELYO: Lk 4:38-44
Pag-alis ni Jesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Jesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Jesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang mabuting balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At nagpatuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
PAGNINILAY
Isinulat ni Fr. Brian Tayag ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. May dahilan kung bakit naririto tayo, kung bakit isinilang tayo sa mundong ito. May dahilan ang ating pag-iral. We all have a purpose in life. We all have a definite reason for living; the “why” that we should keep on finding the right answer, so that it is impossible for us to merely exist. Sa Ebanghelyo, pinipigilan ng mga tao na umalis si Hesus sa kanilang bayan pero hindi siya natinag sa kanilang kahilingan. Aniya, “Kailangan ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng kaharian ng Diyos sa mga ibang bayan, sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” Jesus was sent by God for a specific reason. His purpose in becoming man, was to save man from those that enslave him – spiritually and physically. And the ultimate realization of his purpose was when he was hanged on the cross. Minsang sinabi ni Winston Churchill: Hindi sapat ang mabuhay lamang. Dapat tayong maging determinado na mabuhay sa isang bagay. Kung hindi natin matanto’t maunaawan ang rason, ang dahilan kung bakit naririto tayo, kung bakit umiiral tayo, katulad lang tayo ng isang dahong nalalag sa ilog, lulutang-lutang, sumasabay lang sa agos ng tubig sa ilog, hindi alam kung saan hahantong. Pero kung nauunawaan natin ang kadahilanan ng ating pag-iral, we begin to build strong foundations, we do everything in our capacity/ to mold and hone our life/ so that we will make our purpose a reality. Sa papaanong paraan? Tukuying mabuti ang layunin. Pangalawa, always look at the bigger picture, to understand better the situation. And from there, start working on the small details. Pangatlo, patuloy na magdasal. Mga kapatid, ano ang purpose ng buhay mo?