Daughters of Saint Paul

Setyembre 6, 2024 – Biyernes | Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ebanghelyo:  Lucas 5,33-39

Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Hesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyon.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti.’”

Pagninilay:

Superb ang wisdom na dala ang talinhaga ng tela at ng alak. Ang telang bago na nasa stage ng pag-aadjust ng fibers, at ang bagong alak na aktibo pa ang gas, ito ang mga mukha ng pagpapanibago. Paano naman matatanggap ng luma ang bago? Pansinin natin ang Divine Program for our self-growth na ini-introduce sa atin ng ating Hesus Maestro.  Everyday may inooffer siyang new cloak at new wine tungkol sa personal development natin. Minsan napapa-turn upside down tayo dahil bagong-bago ito sa nalalaman natin at ibang-iba sa nakasayan natin. Grabe ang tension na nagaganap sa ating kalooban. Nangyayari ang tension dahil sa halip na we put on the new self, we cling on to our old self.  Nagrerebelde ba o hindi tayo maka-cope up sa kakaibang dynamics na kinakailangan? Pero, buong ingat na kinokonsider ng ating Hesus Maestro kung kaya ba nating tumanggap at tumugon. Dahan-dahan din Siyang umaalalay sa atin hanggang sumuko na tayo at sumunod. On our part, sa tulong din ng biyaya at love ni Lord, i-adjust natin ang ating nakasanayang “tela o sisidlan” sa panibago Niyang tela at bagong alak. Ito ang pagtugon sa Divine Program. Someday, idedeclare natin tulad ni St. Paul, “Hindi na ako ang nabubuhay sa akin, kundi si Hesus na.”