Ebanghelyo: Lucas 6,1-5
Isang Araw ng Pahinga, naglalakad si Hesus sa bukirin ng trigo. Nangyari na hinimay ng kanyang mga alagad ang mga butil sa pagkiskis sa kanilang mga kamay, at kinain ang mga ito. Sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit n’yo ginagawa ang ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga?” Ngunit nagsalita si Hesus at sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa Bahay ng Diyos, kinuha ang tinapay na inihain para sa Diyos, kinain ito at binigyan pa ang kanyang mga kasamahan, gayong bawal itong kainin ninuman liban sa mga pari.” At sinabi pa niya sa kanila: “Panginoon ng Araw ng Pahinga ang Anak ng Tao.”
Pagninilay:
Magandang kaugalian ang maging observant sa pagsunod sa mga rules and regulations, because it creates order and efficiency. Pero kung ito naman ay magiging dahilan para ma-compromise ang basic need ng isang tao, hindi ito tama, because it goes against charity.
Sa Mabuting Balita na narinig natin ngayon, pinaratangan ng mga Pariseo si Hesus at ang kanyang mga alagad sa di-umano’y ‘di nila pagsunod sa “law of the Sabbath.” Namitas kasi ng grano ang mga disipulo para kainin dahil nagugutom na sila. Nakita natin sa episode na ito ang kahalagahan ng “putting into the right perspective” ang ating pagpapahalaga at pagsunod sa mga rules at regulations. Mahalaga ang mga batas at alituntunin para maging maayos ang takbo ng ating pamumuhay. Kung wala nito, chaos talaga ang maghahari, dahil wala na tayong nakikitang tama at mali, at ang pansariling kagustuhan na lang ang ating susundin. Pero dapat rin nating tandaan na charity is far above and more important than any rules and regulations that govern our lives. Dahil ang involved dito ay buhay ng tao at ang kanyang kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa isang taong nagugutom o nanganganib ang buhay ay mas mahalaga kaysa sa pagsunod sa anumang mga tuntunin at regulasyon. Ang isang simple at eksaktong halimbawa na maibibigay natin para maintindihan ito ay ang isang ambulansiya na hindi nag o-observe ng traffic regulations dahil mas mahalaga ang buhay ng taong nakasakay dito na dapat madala kaagad sa ospital. The law of charity is more important. Inaanyayahan tayo ng Mabuting Balita na bigyan ng prioridad ang kabutihan ng tao at isabuhay ang pagkakawang-gawa sa mga nangangailangan. Isaisip natin lagi na sa ating pagtulong sa kapwa at pagpapakain sa nagugutom ay si Kristo ang ating tinutulungan.
Kapanalig, sa araw na ito, ano kaya ang magandang bagay o any act of charity na puede nating mai-extend sa ating kapwang kapus-palad at nangangailangan?