Daughters of Saint Paul

TOM BANTON

(Author of PINAGTAGPO PERO ITINADHANA SA IISANG DIYOS)

Si Tom ay isang seminarista mula sa San Carlos Seminary sa Makati. Nakilala sya bilang tagapangasiwa ng Facebook Page ng Millennial Catholics na nagtamo na ng pagkilala sa Catholic Social Media Awards. Nominado noong taong 2019 sa Best Catholic Vlog. Noong 2020 ay nominado rin sa Best Twitter at tinanghal naman bilang 2020 Best Catholic Facebook Page. Tulad ng ilan, isang normal na kabataan lamang ang sumulat ng nobelang ito. Mahilig magkwento, sumulat ng kanta at syempre manuod ng k-drama series. Hindi perpekto ngunit pinipiling maging bukas sa pagmamahal ng Diyos. “Ang lahat ng papuri ay para sa Diyos! Hindi ako kundi Siya.”