Daughters of Saint Paul

AGOSTO 6, 2022 – SABADO SA IKA-18 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON ANG PAGLILIWANAG SA BAGONG ANYO NG PANGINOON

Mapagpalang araw ng Sabado mga ginigiliw kong kapatid kay Kristo!  Ikaanim ngayon ng Agosto, Kapistahan ng Tranfiguration o ang Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon.   Ako si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul! Nawa’y ang kapistahan ngayon ay magdadala sa atin sa pagbabago ng ating mga sarili.

Ebanghelyo: Lucas 9: 28-36

Isinama ni Hesus sina Juan, Pedro at Jaime, at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, at puting-puting nag niningning ang kanyang damit. May dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias; napakita sila sa kaluwalhatian, at pinag-uusapan nila ang paglisan ni Hesus na malapit ng maganap sa Jerusalem. Antok na antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama. Pero pag kagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya. Nang papalayo na iyon kay Hesus, sinabi ni Pedro sa kanya, “Guro, mabuti’t narito tayo, gagawa kami ng tatlong kubol; isa sayo, at isa kay Moises, at isa kay Elias.” Nagsasalita pa siya ng may ulap na lumimlim sa kanila. at natakot sila pagpasok nila sa ulap. At narinig mula sa ulap ang salitang ito. “Ito ang aking Anak, ang hinirang: pakinggan ninyo siya.” Pagkasalita ng tinig, nag-iisang nakita si Hesus. Nang mga araw na ‘yon, sinarili nila ito at walang sinabi kanino man tungkol sa nakita nila.

Pagninilay:

Isa sa mga hindi ko makalimutan na karanasan simula noong pumasok ako sa seminary, eh iyong pagbisita ko sa maximum-security ng bilibid prison kasama ko ang ibat ibang seminarista at madre mula sa iba’t abang kongregasyon. Isa iyon sa “transfiguration” experiences. Yung parang bagang larawan din ng transfiguration ang aking nasaksihan at hanggang ngayon klaro pa sa aking memory ang aking nasaksihan. Lumiliwanag. Nagsimula ang lahat sa selebrasyon ng Misa na ang Mabuting Balita sa Linggo na iyon ay parehas sa Ebanghelyo natin ngayon, yung nakatakaw atensyon sa akin ay ang kaklase kung Vietnamese na conductor ng choir ng mga nasa bilangguan. Merong language barrier pero di hamak na tilang mga anghel na kumakanta sila. Pangalawa, ay ang pagkikita ng isang madre sa kanyang tiyuhin na matagal ng hindi niya nakikita. Yung pagtulong ng mga tao doon para sila magkita at ang pag-alalay ng kapwa niya bilanggo ang nagpa-antig sa akin. Pangatlo ay ang aking pakikitungo at pakikipag-usap sa ating mga kapatid nasa bilangguan. Nagkaroon nga ako ng limang prayer warriors sa karanasan na iyon. Kahit mapasaan man pala tayo, si Hesus ay patuloy na magliliwanag, magbibigay saya at awit sa ating buhay. Si Hesus na magpapatagpo ng mga naghihiwalay. At si Hesus na isang kaibigan, ano man ang estado ng iyong buhay.