Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Agosto 16, 2026 – Linggo

Ebanghelyo: Mateo 15:21-28

Pumunta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon ang nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito. “Paalisin mo na siya’t sigaw nang sigaw sa likod natin.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa kanya at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!”   Sumagot si Jesus: Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Sumagot ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” Kaya nagsalita sa kanya si Jesus; “Babae, napakalaki ng iyon pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang

Pagninilay

Mahilig din ba kayo sa mga exclusive na bagay? Exclusive village, exclusive privileges at promo, exclusive place. Iba ang dating kapag nakalaan lang sa iyo at walang tagalabas. Pakiramdam natin, napaka-espesyal natin at sinasabi nga, ito ang tunay na batayan ng mayaman at may kapangyarihan. Ang magkaroon ng mga bagay na iilan lang ang meron at may kakayahan. Ganito din ang kaisipan ng mga Hudyo noong panahon ni Jesus. Exclusive lang ang kaligtasan at ang grasya ng Diyos. Sila lang kasi ang piniling bayan at sa kanilang lahi lang nagpakilala ang Diyos. Kaya ang sinumang tagalabas ay hindi nararapat sa grasya, papapala at kaligtasan. Subalit sa Ebanghelyo, narito ang isang babaeng tagalabas na lumabag sa boundary ng mga Hudyo at Pagano. Nagmamakaawa siya sa grasya at kapangyarihang magpagaling ni Jesus. Kaya sabi ng mga apostol na paalisin ang babae. Tumugon naman si Jesus at sinabi sa babae na hindi nararapat ibigay sa mga aso ang pagkain ng tao. Ito ang common na pagtingin ng mga Hudyo sa mga Tagalabas.

Subalit namangha si Jesus sa pananampalatay ng babae at sa kanyang pagmamatigas at hindi pagsuko kay Jesus. Kaya sinabi niya, mangyari ang kanyang ninanais. Ipinapakita sa atin na ang kaligtasan ay para sa lahat. Iniaalay at binibigay ito sa lahat ng may pananampalataya at hindi para sa iilan lamang.

  • Fr. Keiv Aires Dimatatac, ssp l Society of St. Paul