Ebanghelyo: Lucas 11:15-26
Nang nakapagpalayas si Hesus ng demonyo, sinabi ng ilan sa mga tao: “Pinalalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Gusto naman ng iba na subukin si Hesus at humingi sila sa kanya ng isang tanda [PR1] galing sa Langit. Alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: “Mabubuwag ang bawat Kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan. Ngayon, kung nagkakahati-hati si Satanas, paano magtatagal ang kanyang Kaharian? Hindi nga ba’t sinasabi n’yo na nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nagpapalayas ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng inyong mga kaanib ang mga ito? Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos. Kung sandatahang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Ngunit kung salakayin siya ng mas makapangyarihan sa kanya at talunin siya, maaagaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. Laban sa akin ang hindi panig sa akin, at nagpapangalat ang hindi nagtitipong kasama ko.” Kapag lumabas sa tao ang maruruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Pero wala siyang natatagpuan at sinasabi niya: ‘Babalik ako sa inalisan kong tirahan.’ Pagdating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. Kaya naghahanap siya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa kanya; pumapasok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling kalagayan ng taon iyon kaysa dati.”
Pagninilay:
Namangha ang marami nang makita nilang napagaling ni Hesus ang taong inaalihan ng demonyo. Pero, mabilis nawala ang kanilang pagkamangha, naging panghuhusga. “Ahh kaya siya sinusunod ng demonyo kasi siya ang kanilang prinsipe!” Bumanat pa ang iba, “Sige nga moreeee. More signs para maniwala kami.”
Ang paalala sa amin ng propesor naming exorcist mga kapatid: It is not about the demons, it is about God who wants to liberate us, because he loves us. Kaya nga minsan daw sa exorcismo, kahit nag-iiba ng boses at kung anu-ano na ang sinasabi. Binubulungan nila yung taong sinasaniban—tinatawag sa kanyang pangalan at sinasabi, “Laban ka din, mahal ka ng Diyos.”
Sana tayo din. Hindi sapat yung paaalisin lang ang demonyo, marapat na papasukin din ang Diyos. Hindi sapat yung tatalikod ka lang sa kasalanan, marapat na humarap ka rin sa Diyos. The demons leave us empty, but when God comes in he makes us again and again holy.
- Fr. Vinz Aurellano, ssp | Society of St. Paul