Daughters of Saint Paul

ABRIL 20, 2022 – MIYERKULES SA WALONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Nag-aalab ba ang iyong puso kay Jesus na Nabuhay na Muli? Mapayapang araw ng Miyerkules sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay! Pasalamatan natin ang Panginoong Jesus na patuloy na nananatili sa ating piling sa “Banal na Misa” at sa bawa’t pagkakataong ipinapahayag ang “Banal na Salita.”  Ako po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul.   Ihanda natin ang ating puso at diwa sa pakiknig sa Mabuting Balita ngayon.  

Ebanghelyo: Lucas 24: 13-35

Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labinlimang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Jesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot. Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?” “Ano?” “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. “Mga hindi makaunawa at mapupurol ang isip para maniwala sa lahat ng ipinahayag ng mga propeta. Di ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta. Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila. At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Nakita nila roon na magkakasama ang Labing-isa at ang iba nilang kasamahan. Sinabi ng mga iyon sa kanila: “Totoo ngang binuhay ang Panginoon at napakita siya kay Simon.” At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.

Pagninilay:

Ang paglisan sa Jerusalem at paglalakbay ng dalawang alagad patungong Emmaus ay sumisimbolo sa nauubos na pag-asa, humihinang pananampalataya at pagkawala ng sigasig na ipagpatuloyang misyon ni Hesus. Kaya nga hindi nila agad nakilala si Hesus na kanilang nakasalamuha. Ngunit ang mulingp agkabuhay ng atingPanginoon ay nagdulotsaatin ng mgamahahalagangbiyaya. Binuhaynitoangnamamataynangpag-asa, pinag-alab ang naglalamlam na na pananampalataya, at pinasigla ang pagsasabuhay ng pag-ibig sa mundong nahuhulog sabitag ng pagkamaka-sarili at alitan. Buksan ang puso upang makilalaang Panginoon nakasama natin sa paglalakbay sa buhay.