Daughters of Saint Paul

Disyembre 19, 2016 LUNES Huling Linggo ng Adbiyento / San Agustin Moi

Lk 1:5-25

Si Elizabeth ang isang anak mna lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan.”Magiging Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang wlang kapintasan ayon sa lahat ng batas at kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila.

            Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa kanyang pangkat nagpalabunutan sila ayon sa kaugalian ng kaparian at siya ang napiling pumasok sa santuwaryo ng Panginoon para magsunog ng insenso.  Kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nananalangin ang buong bayan sa labas, nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito.

            Ngunit sinabi sa kanya ng anghel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sa iyo ng asawa mong ligaya at tuwa mo siya, at marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon.  Hindi siya iinom ng alak ng ubas o ng butil at mapupuspos siya ng Espritu Santo mula sa sinapupunan ng kanyang ina.  Panunumbalikin niya ang maraming anak ng Israel sa Panginoong kanilang Diyos.  Mangunguna siya sa kanya taglay ang diwa at kapangyarihan ni Elias para papagkasunduin ang mga magulang at mga anak, at ibalik ang mga masuwayin sa pag-unawang bagay sa mga makatarungan upang maihanda ang isang bayang angkop sa Panginoon."

            Sinabi naman ni Zacarias sa anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.”  Sumagot ang anghel at sinabi sa kanya:  “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sa iyo para kausapin ka't ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay magiging pipi at di makapagsalita hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.”

            Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong di lumabas ng bahay at sinabi: “Ito'y gawa ng Panginoon! Ipinasya niyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.” 

PAGNINILAY

Mga kapatid, naniniwala ba kayong walang imposible sa Diyos?  Mahirap paniwalaan ito lalo na’t parang hindi tama ang lahat.  “Ika nga, imposible talaga!”  Pero sa ebanghelyo ngayon, masasabing imposible talaga ang nangyari kay Zacarias.  Matanda na siya at matanda na rin si Elisabeth.  Pero kumilos ang Diyos sa takdang panahon upang matupad ang matagal nang idinadalangin nina Zacarias at Elizabeth.  Tunay ngang walang imposible sa Diyos!  Hilingin natin sa Kanya ang anumang nais natin.  At manalig tayo na kung ito’y makabubuti sa atin at sa ating kapwa, matutupad ito sa panahong itinakda ng Diyos.  Pero, pakatandaan natin na ang katuparan ng ating mga panalangin dapat naaayon sa kalooban ng Diyos.  Hindi lang ito para sa pansariling kapakanan, kundi para sa ikabubuti ng nakararami.  Panginoon, lubos po akong nagtitiwala na walang imposible Sa’yo.  Patuloy po akong umaasa na diringgin N’yo ang aking panalangin sa Iyong takdang panahon.  Amen.