Daughters of Saint Paul

HULYO 2, 2020 – HUWEBES SA IKA-13 NG LINGGO NG TAON

EBANGHELYO : Mt 9:1-8

Sumakay sa bangka si Jesus, tumawid sa lawa at bumalik sa sariling bayan. Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang Makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”  Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito ang Diyos.” Alam ni Jesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon ang tao at umuwi.” Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao.

PAGNINILAY:

Mula sa panulat ni Rev. John Francis Aberion ng Rogationists of the Heart of Jesus ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo. One question lang po: meron na bang nag-message sa inyo na sinasabing, “friend, pare, kumare, kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo, ipagdadasal kita”? What a wonderful and beautiful experience it is to have someone praying for you, to have someone praying for us. Sila ang mga kaibigan nating may kakayahang magdala sa atin sa Panginoon. I think this is also one way of expressing our love to our brothers and sisters, especially those who are in need, those who are sick, those who are in trouble and in difficult situations. Ganyan po ang mensahe ng ating Gospel ngayon. Sa pamamagitan ng pagpapagaling ni Hesus sa isang paralitiko, tinuruan nya ang mga naroroon kung gaano kahalaga ang “faith” or ang “pananampalataya” ng mga nagdadasal para sa atin. Prayer is not only for ourselves, but also for those whom we want to express our deep concern and love. Kaya kung nag-aalala man tayo sa isa nating kaibigan, or sa isa nating kabarkadang mukhang nagiging “bitter” na yata sa buhay, or sa mga kapus-palad nating mga kapatid, aba oras na para ipagdasal natin sila. Let us bring them to God through our prayers. Let our prayer be: “Lord, I pray for my friends who need your presence at this moment. Amen.”