Daughters of Saint Paul

HUNYO 6, 2021 – DAKILANG KAPISTAHAN NG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO (CORPUS CHRISTI)

EBANGHELYO: Mk 14:12-16, 22-26

Sa unang araw ng pesta ng tinapay na walang libadura, ng kinakatay ang tupang pang paskwa sinabi kay Hesus ng kanyang mga alagad. “Saan mo kami gusto pumunta para maghanda ng hapunan pangpaskwa para sa iyo. Kaya ipinadala niya ang dalawa sa kanyang mga alagad sa pagsasabing : pagpunta ninyo sa lungsod sasalubungin kayo ng isang lalaki may pasan ng isang bangon tubig. Sumunod kayo sa kanya at sabihin ninyo sa may aring bahay na pupuntahan niya. Ito ang sabi ng guro, nasa anong kwarto para sa akin, para pagsaluhan namin ng aking mga alagad ang hapunan pang paskwa. Itotoro niya sa inyo ang malawak na silid sa itaas, na ayos at may kagamitan, doon kayo maghanda para sa atin. Umalis na ang mga alagad at pumunta sa lungsod at nakita ang sinabi ni Hesus sa kanila at inihanda nila ang paskwa. Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi : “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “ Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos. At pagkaawit ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Fr. Albert Garong ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Dalawang taon na nating ipinagdiriwang ang Corpus Christi sa panahon ng lockdown. Nakakalungkot, di po ba? Ang Tunay na presensya ng Diyos sa Eukaristiya, na sentro ng ating kapistahan ngayong linggo, ay hindi pa rin matanggap ng nakararami dahil sa pandemya. Ganunpaman, ang panawagan ng Mabuting Balita sa atin ay pareho pa rin. Kagaya ng mga apostoles na masusing naghanda para sa huling hapunan nila ni Hesus, tayo rin ay dapat naghahanda ng ating puso para tanggapin si Hesus tuwing tayo ay nakikibahagi sa Misa—online man ito o sa aktuwal na buhay. Dahil nasaan man tayo, ang Diyos ay handang pumasok sa mga puso na bukas at handa para sa kanya. Hindi man tayo makapasok sa Simbahan, patuloy si Hesus na nananahan sa Banal na Eukaristiya. Hindi niya tayo kailanman iniiwan. Kaya sana tayo ay ganoon din: sikapin nating maging handa para siya ay tanggapin at isabuhay.  

PANALANGIN

Panginoong Hesus, nananalig po ako sayong pananahan sa Banal na Eukaristiya.  Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya ngayong panahon ng pandemya, nang huwag akong sumuko sa gitna ng mga suliraning pinagdadaanan sa buhay, Amen.