Daughters of Saint Paul

IKA – 29 NA LINGGO NG TAON

Kapit lang kay Lord, maaasahan natin Siya! Isang mapagpalang araw ng Linggo mga kapatid kay Kristo! Ako si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul. Purihin ang Diyos sa pagpasok natin sa Ika-dalawampu’t siyam na Linggo sa karaniwang panahon ng ating liturhiya. Pasalamatan natin Siya sa patuloy na pag-iingat at paggabay, at sa walang -sawa pagkakaloob ng mga biyaya at pagpapalang sa atin hanggang sa oras na ito. Panawagang magpakatatag sa ating buhay panalangin at manatiling manalig a Diyos ang hamon ng Mabuting Balitang ngayon.

EBANGHELYO: Lc 18:1-8

“Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob” __ito ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad sa isang talinhaga. Sinabi niya: “ Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban sa aking kalaban.’ Matagal siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, igagawad ko parin ang katarungan sa biyudang ito na bumubwisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pagpunta –punta niya.’” Kaya dinagdag ng Panginoon: “Pakinggan n’yo ang sinabi ng di matuwid na hukom. Hindi ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tai, makakakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

PAGNINILAY

“Pray! For miracles to happen.” Madalas nating itong naririnig kapag tayo’y pinanghihinaan ng loob at humaharap sa matinding pagsubok sa buhay. Tulad ng babae sa Ebanghelyo. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Nagpursigi siya sa kanyang kahilingan mula sa hukom. Kinalaunan, iginawad ng hukom ang kahilingan ng babae. May mabuting bagay ang maaaring idulot sa atin ng pagiging matiyaga sa panalangin. Una, sa karanasan natin, anumang bagay na nakamit sa pagpupursigi at pagtitiya, pinahahalagahan natin ito. Datapwat, anumang nakamit sa mabilisang paraan, panandalian ang epekto at hindi natin pinanghihinayangan. Pangalawa, ang pagpupursigi at pagtitiyaga sa pagdarasal ay pinapatibay ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Batay sa ating karanasan, hindi nakakatulong upang patibayin at palalimin an gating ugnayan sa ating kapwa kung panaka-naka ang pakikipag-usap sa taong itinuturing nating mahalaga sa atin. Nanlalamig ang ugnayan ng dalawang tao kung walang panahon at oras ang isa upang makipag-usap. Hindi ito iba sa ating buhay pananampalataya. Ika nga ng mga millennials, “consistency.” Kung nais nating mapatibay at mapalalim ang ating ugnayan at pagmamahal sa Diyos huwag tayong panghinaan ng loob kung tila tahimik at walang sagot ang Diyos sa ating mga panalangin. Magtiya tayo. Magpursigi. Maging makulit hanggang sa dinggin tayo. Sa huli, ang layunin ng Diyos para sa atin ay turuan tayong maghintay at magtiwala sa kanya. Ika nga: God’s time is the most perfect time.