Ebanghelyo: Lucas 24:13-35
Nang araw ng Linggo, dalawa sa mga alagad ang naglalakad pa-Emmaus na isang nayong mga labinlimang kilometro mula sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari. Sa kanilang pag-uusap at pagtatalakayan, lumapit si Hesus at nakisabay sa paglakad nila pero parang may kung anong hadlang sa kanilang mga mata at hindi nila siya nakilala. Tinanong niya sila: “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” Tumigil silang mukhang malungkot.
Sumagot ang isa sa kanila na nagngangalang Cleofas: “Bakit, mukhang ikaw lang ang kaisa-isahan sa Jerusalem na di alam ang mga nangyari roon nitong mga ilang araw?” Itinanong niya: “Ano?” Sumagot sila: “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret.
Sa paningin ng Diyos at ng buong baya’y isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita. Ngunit isinakdal siya ng aming mga punong-pari at mga pinuno para mahatulang mamatay at ipinako siya sa krus. Umaasa pa naman kaming siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito. Mga hindi makaunawa at mapupurol ang isip para maniwala sa lahat ng pahayag ng mga Propeta, hindi ba’t kailangan mag dusa ng ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati? Sa totoo’y ginulat kami ng ilang babeng kasama namin.
Maaga silang pumunta sa libingan pero hindi nila nakita ang kanyang katawan kaya dumating sila at sinabi sa amin na nakakita pa raw sila ng aparisyon ng mga anghel na nagsabi sa kanila na buhay siya. Nagpunta rin sa libingan ang ilan sa amin at natagpuan nga nila ang sinasabi ng mga babae pero hindi nila siya nakita.”
Sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga hindi makaunawa at mapupurol ang isip para maniwala sa lahat ng ipinahayag ng mga propeta. Di ba’t kailangang magdusa nang ganito ang Mesiyas bago pumasok sa kanyang luwalhati?” At sinimulan niyang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng sinabi ng Kasulatan tungkol sa kanya, mula kay Moises hanggang sa lahat ng Propeta.
Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan nila, parang magpapatuloy pa siya ng paglakad. Pero pinilit nila siya: “Manatili kang kasama namin dahil dapithapon na at lumulubog na ang araw.” Kaya pumasok siya at sumama sa kanila. Nang nasa hapag na siyang kasalo nila, kumuha siya ng tinapay, nagpuri at piniraso ito at ibinigay sa kanila.
At noo’y nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya, at nawala siya sa kanilang paningin. Nag-usap sila: “Hindi ba’t nag-aalab ang ating puso nang kinakausap niya tayo sa daan at ipinaliliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” Noon di’y tumayo sila at nagbalik sa Jerusalem. Nakita nila roon na magkakasama ang Labing-isa at ang iba nilang kasamahan.
Sinabi ng mga iyon sa kanila: “Totoo ngang binuhay ang Panginoon at napakita siya kay Simon.” At isinalaysay naman nila ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay.
Pagninilay:
Ibinahagi po ni Sr. M. Parichat Jullamonthon ng Daughters of St. Paul ang pagninilay. Nakakapagod ‘di ba ‘yung pakiramdam na alam na alam mo kung kelan at saan ka nagkamali? ‘Yung tipong nirereview mo paulit-ulit ‘yung nangyari—’yung text na “kailangan nating mag-usap,” ‘yung job application na walang reply, ‘yung bills na parang lumalaki na lang. Alam na alam natin ‘yung pakiramdam na ‘yan, ‘di ba?
Eto ang maganda sa kwento ng daan patungong Emmaus. Naglalakad ang dalawang alagad na bigo. Broken-hearted. Akala nila tapos na ang kwento. Sabi nila, “Sana nga…” ‘Yung tipong “sana” na puno ng panghihinayang. Ang catch? Kasama nila si Jesus sa paglalakad. Hindi lang nila Siya nakikilala.
Ganun din tayo minsan, ‘di ba? Ang daling tumingin sa saradong pinto at sabihing “failure ‘to.” Ang daling tingnan ang delay at sabihing “rejection ‘to.” Ang problema? Hindi sa facts, kundi sa filter natin. Parang sinusubukan nating i-edit ang buhay na wala pa yung buong footage. Nagmamadali tayong mag-publish ng kwento na “failure story” agad – eh hindi pa naman tapos ang editing.
Eto ang magandang balita: Hindi binubura ng Muling Pagkabuhay ang masakit mong nakaraan. ‘Yun ang maganda. Pinagagaling Niya, hindi niya binubura. Nireremind Niya tayo na iba ang lente Niya. May pagkakaiba pala ‘yung pagiging biktima ng trahedya at pagiging saksi sa himala. Pareho kayong nasaktan; iba lang ang pinaniniwalaan n’yo sa dulo. Hindi natin kailangan baguhin ang nangyari. Madalas, upgrade lang ng “operating system” ang kailangan natin. ‘Yung hindi tayo stuck sa “bakit ako” o “sana noon,” kundi “anong ginagawa Mo, Panginoon, sa gitna nito?”
Kasi minsan, masyado tayong malapit sa screen para makita ang buong picture. Masyado tayong naka-focus sa isang eksena, nakakalimutan nating may sumusulat ng mas malaking kwento.
Bago mo i-post ‘yang masamang araw mo bilang “failure story,” tandaan mo—baka hindi pa tapos ang editing. Baka may hinahanda Siyang plot twist na ‘di mo pa nakikita.
Kasi hindi pa tapos ang Dakilang Storyteller. Sigurado ‘yan.
Minsan, hindi tayo broken—in the process lang tayo ng editing. Anong eksena sa buhay mo ngayon ang gusto mong ipa-edit kay Lord?
- Sr. M. Parichat Jullamonthon, fsp | Daughters of St. Paul