Ebanghelyo: Juan 16:5-11
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngayon nama’y papunta ako sa nagpadala sa akin, at wala sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta kundi tigib ng lungkot ang inyong puso sa pagsasabi ko nito sa inyo. “Ngunit sinasabi ko ang katotohanan: makabubuti sa inyong ako’y umalis sapagkat kung hindi ako aalis, hindi makararating sa inyo ang Tagapagtangggol. Kung aalis naman ako, ipadadala ko siya sa inyo at pagdating niya, hihyain niya ang mundo sa paglalantad sa kasalanan sa daan ng pagkamatuwid at sa paghatol. “Ito ang kasalanan: hindi sila naniniwala sa akin. Ito ang daan ng pagkamatuwid: sa Ama ako papunta, samantalang hindi n’yo na ako makikita. At hinatulan na ang pinuno ng mundong ito: ito ang paghatol.”
Pagninilay:
Ramdam mo ba o naaalarm ka ba sa sinabi ng ating Hesus Maestro: “Darating ang oras na iisipin ng mga papatay sa kapwa na nag-aalay sila ng pagsamba sa Diyos.” Sa kalagayan ngayon ng Gitnang Silangan, nakikita natin ang parehong larawan. “Banal na tungkulin” daw ang kanilang pakikibaka laban sa Israel sabi ng Iran. Samantalang itinuturing naman ng Israel ang kanilang pagtatanggol bilang katuparan ng kanilang pananam-palataya at karapatan sa kinikilala nilang lupang pangako. Nagiging sandata ang religion para bigyang-katwiran ang digmaan. Pero kung susuriin natin sa liwanag ng Ebanghelyo bilang Kristiyano, kabaligtaran ang kanilang paniniwala. Ang karahasan, gawaing banal? Ang karahasan, kinokonsider na pagsamba? Paalala rin sa atin, huwag tayong maging bulag na naniniwala na may holy purpose ang karahasan. Malamang sinasabi natin, ginagawa ko ito para sa katahimikan ng lahat. Pero patatahimikin ka kaya ng iyong konsensya? Kaya i-welcome natin ang magandang pakikipag-ugnayan, respeto, at kapayapaan. Ipakita natin na ang ating pagiging Kristiyano, hindi nagdadala ng kamatayan kundi ng buhay at pagkakaisa. Limang araw na lang we will celebrate the 60th World Communications Day. Ito ang panawagan ng ating Simbahan na ang komunikasyon ay nagbubunga ng communion. Walang ibang paraan para sa kapayapaan kundi ang dialogue. May mukha tayo at tinig na mahalagang gamitin. Gamitin natin ang komunikasyon sa pagsulong ng buhay hindi kamatayan. Kapayapaan hindi digmaan.
- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul