Ebanghelyo: Juan 21:15-19
Nagpahayag si Hesus sa kanayang mga alagad, Nang makapag-almusal na si Hesus at ang kanyang mga alagad, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.”: “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?”: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”
Pagninilay:
Kapanalig, naranasan mo na bang makagawa ng kasalanan sa isang tao at kailangan mong bumawi upang mawala ang galit sa iyo? Sa ating Mabuting Balita ngayon, baliktad ang nangyari. Si Pedro ang nagtatwa kay Hesus, subalit si Hesus ang gumawa ng paraan upang makabawi sa Kanya si Pedro. Kung mapapansin ninyo, tatlong ulit tinanong ni Hesus si Pedro kung mahal ba siya nito. Sa bawat sagot ni Pedro ay may kaakibat na misyon na ibinibigay sa kanya si Hesus. Sabi ng ilang Bible scholar, ang unang tugon kasi ni Pedro ay mababaw ang pakahulugan nito. Hindi pantay ang pakahulugan nila sa salitang pagmamahal, kaya kailangang ipaunawa kay Pedro ang mas malalim na pakahulugan nito. Kapanalig, ganito tayo kamahal ng Diyos. Tuwing magkakasala tayo sa Kanya, hindi mabilang na pagkakataon ang ibinibigay niya sa atin para makabawi sa Kanya. Ginagamit ba natin nang maayos ang bawat pagkakataong ito upang itama ang ating pagkakamali at manumbalik sa piling ng ating butihing Diyos?
Additional: Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Santa Rita. Isa siya sa mga santang hindi nabulok ang katawan at tinatawagan ang kanyang intersasyon sa mga imposibleng kahilingan. Hingin natin ang panalangin ni Santa Rita na tulungan tayong maging tapat kay Hesus at sa ating pananampalataya. Huwag sana nating sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay sa atin upang makabawi sa Diyos.
- Sr. Lourdes Ranara, fsp l Daughters of St. Paul