Ebanghelyo: Mark 6:30-34
Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman ni niya sa kanila:” Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo’y marami ang paroo’t parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.
Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming tao na nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.
Pagninilay:
Isinulat ni Sr. Vangie Canag ng Daughters of St. Paul ang pagninilay. Bumalik ang mga alagad galing sa misyon, na excited sa pagbalita ng kanilang mga karanasan. Nakita ni Hesus na pagod sila at gutom. Naawa siya, kaya inanyayahan niya silang pumunta sa isang ilang na pook upang magpahinga. Ngunit dinagsa sila ng maraming tao na naghahanap kay Hesus. Parang mga tupang walang pastol. Naawa si Hesus sa kanila at tinuruan niya sila sa buong maghapon. Ipinagpaliban niya ang pangangailangan ng mga alagad at inuna ang mga tao dahil nakita niyang mas matindi ang pangangailangan ng mga ito. Uhaw at gutom sa salita ng Diyos. Mga kapatid/kapanalig, nakikita ni Hesus ang ating mga pangangailangan, material at spiritual. Minsan meron tayong sakit na hindi natin maintindihan. Dahil tayo ay katawan at espiritu, minsan ang sakit ng katawan ay nag-uugat sa sakit ng espiritu. Naranasan ko minsan ang magkasakit na walang sakit. Ayon sa mga medical tests, okay ang aking mga vital signs. Pero nawawalan ako ng lakas. Ang buhay ko ay parang hinihigop ng kamatayan. Maraming treatment ang ginawa sa akin, pero no effect. I just prayed and entrusted myself to God. In His own time, pinagaling ako ng Panginoon without medicine. Now, in my old age, I continue serving, in joy and gratitude. Mga kapatid/ kapanalig, nakikita ni Hesus ang needs ng ating katawan at kaluluwa, kahit ang hindi natin maintindihan at hindi rin maintindihan ng iba. Ngunit naintindihan ni Hesus at nahahabag siya sa atin. In his time, darating ang kaligtasan. Manalig tayo.
Mahal na Panginoon, sinusuri mo ako at kinikilala. Ipinapaubaya ko sa iyo ang aking sarili at ang lahat ng nahihirapang umaasa sa Iyo. Amen.
- Sr. Vangie Canag, fsp l Daughters of St. Paul