Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Setyembre 30, 2026 – Miyerkules

Ebanghelyo: Lucas 9: 57-62

Habang naglalakad si Hesus at ang kanyang mga alagad, may nag sabi kay Hesus. Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta. May lungga ang mga pusang gubat at may mga pugad naman ang mga ibon. Ang Anak ng Tao na may wala man lang mahiligan ang kanyang ulo. At sinabi naman niya sa isa.

Sumunod ka sa akin. Pauuin mo ako para mailibing ko muna ang aking ama. “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.” Susunod ako sa iyo, Panginoon. Pero pauuin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay. Hindi bagay sa kaharian ng Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.

Pagninilay:

Ibinahagi ni Sr Aida Adriano ng Daughters of St. Paul ang pagninilay. Natural lamang sa isang tao na maghangad ng seguridad o security sa buhay. Lalong-lalo na sa hirap na dinaranas natin sa panahon ngayon. Kailangan natin ng seguridad sa mga pangu-nahing pangangailangan at kondisyon upang maging ligtas, panatag, at maging malayo tayo sa panganib. Kabilang dito ang seguridad sa pananalapi, kalusugan, pagkain, at kaligtasan sa lipunan.

Nag-aalok si Hesus ng isang mas mahalagang seguridad na may katiyakang walang hanggan sa mga sumusunod sa Kanya. Ito ang kaharian ng Diyos. Dahil ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay isang tungkuling napakahalaga na hindi natin dapat ipagpaliban. Subali’t hindi madali ang sumunod sa Kanya. Isang mabigat na responsibilidad ang pagiging alagad ni Hesus. Kailangan nito ang ganap na dedikasyon, buong-pusong pagtitiwala, at walang-kondisyong pagsunod na walang pag-aalinlangan.

Ang pagpapari o pagmamadre ay isang radikal na paraan ng pagsunod kay Kristo. Subali’t ang pagiging katekista, layko, guro, studyante, pagiging magulang o ano mang profession ay pamamaraan din ng pagsunod kay Hesus. Sa pamamagitan ng mabuting gawa, tapat na pakikipagkapwa, marangal na hanapbuhay at pagbabahagi ng Salita ng Diyos, tayo ay tunay na nagiging alagad niya.

Panalangin: Panginoon, turuan mo akong ialay nang taimtim ang aking sarili, lakas at buhay upang masunod ang iyong mga aral at makapagsilbi sa kapwa nang may pagmamahal. Amen.

  • Sr. Aida Adriano, fsp l Daughters of St. Paul