Daughters of Saint Paul

MAY 29, 2020 – BIYERNES SA IKAPITONG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY

EBANGHELYO: Juan 21:15-19

Nagpahayag si Jesus sa kanyang mga alagad Nang makapag-almusal sila’sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.”  “Akayin mo ang aking mga tupa.”  “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Jesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”

PAGNINILAY:

Ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo, isinulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul.  Malamang alam na ninyo ang meme? Ito ang nauuso ngayon na pag-spread ng idea ng kultura, kilos ng isang kultura, o ng style. Pwede itong itransmit sa pag-iisip ng isang tao sa pamamagitan ng pagsusulat, ng manner ng pagsasalita, o sa gawa at sa cyberworld. (Halimbawa sa internet meme, lumalabas itong nakakatuwa. Ayon sa mga scholars, parasites daw or virus sa isip ang meme lalo na kung pang-aabuso ang ginagawa nito. Kung tutuusin matagal na itong na-introduced ni Richard Dawkins. 1976 noon, nang isinulat niya ang librong the Selfish Gene.) Ang meme, mula ito sa griyegong salita na mimema.Ibig sabihin, “ginaya o sinunod”. Iposisyon natin ang salitang “meme” sa tagpo ni Jesus at ni Pedro. Muling nabuhay na noon si Jesus at alam Niya ang niloloob ni Pedro na magbagong buhay. Alam natin na nawalan ng lakas ng loob si Pedro noon. Ngayon, ibig ni Pedro na muling sundan si Jesus. Kaya si Jesus na ang nag-initiate. May renewal ng vows na naganap. Mahal mo ba ako? Tatlong beses, para quits na si Pedro sa ginawa niyang tatlong beses na pagkakanulo kay Jesus. Sa huli, ang pagmamahal na loob ni Jesus kay Pedro, pagmamahal na naglilingkod. Isang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Anuman ang pagkakamali ng iba, patawarin at yakapin. Kaya sabi ni Jesus, “follow me”. Sundan mo ako at sumunod si Pedro. Ito ang tunay, dalisay at banal na meme. Si Jesus na ang sundan natin na kultura, kaysa internet meme. Hintayin lang natin ang tatlong key questions niya: “Mahal mo ba ako?” If yes: sundan mo ako.  Sundan natin ang Jesus meme. Sundan natin ang “Jesus culture”.