Daughters of Saint Paul

Oktubre 19, 2017 Huwebes sa Ika-28 Linggo ng Taon

LUCAS 11:47-54

Humirang ag Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan.  Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggawa; idalangin n’yo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa gitna ng mga asong-gubat.  Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas.  At huwag n’yong batiin ang sinuman s daan.

Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin n’yo muna: Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan.  Kung hindi’y magbabalik sa inyo ang iyong dasal.  At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod.  Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay.

Saanmang bahay kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin n’yo anumang ihain sa inyo.  Pagalingin n’yo rin ang mga maysakit Doon at sabihin sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.’”

PAGNINILAY

Ang Ebanghelyong ating narinig, pagpapatuloy sa babalang binigay ni Jesus sa mga Pariseo at guro ng Batas.  Kahapon, binalaan Niya silang huwag pakitang-tao lamang ang mga ginagawang kabutihan.  Ngayon naman, sinabihan Niya silang huwag pakitang-tao lamang ang ginagawa nilang pagparangal sa mga propeta. Dahil ang totoo, katulad din sila sa mga taong nagpapatay sa mga propeta.  Kinuha nila sa mga tao ang karunungang nagmumula sa Diyos. Sa halip na magpaunawa sa mga tao tungkol sa Batas para lumago sa buhay espiritwal – sila pa ang nagligaw sa kanila ng landas dahil sa makitid nilang pagpapatupad ng Batas.  Mga kapatid, bilang binyagang Kristiyano lahat tayo’y nakikibahagi sa misyong tulungan ang isa’t-isa para makapasok sa Kaharian ng Langit.  Inaatasan tayong maging huwaran sa isa’t isa sa pagsabuhay ng mga iniuutos ng Panginoon, at tulungan ang mga kapatid nating naliligaw ng landas na maibalik sa Panginoon. Sa ating pang-araw-araw na buhay, ilang tao ba ang nawalan ng pananampalataya dahil sa ating hindi magagandang halimbawa?  Ilang tao ang nasiraan ng loob dahil sa masasakit nating salita? Ilan ang nawalan ng pag-asa dahil sa mapanhusga nating ugali at pagpakalat ng tsismis na nakasira sa dangal ng iba?  Manalangin tayo.  Panginoon, patawarin Mo po ako sa mga kasalanang nagawa ko Sa’yo at sa kapwa.  Panibaguhin Mo po ako nang magsilbing huwaran ng kabutihan ngayon at magpasawalang hanggan.  Amen.