EBANGHELYO: LUCAS 13:22-30
Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nangangaral habang papunta siya siya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti ng aba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magpumilit kayong pumasook sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gusting pumasok at di makapapaok. Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo.’ “Kaya sasabihin n’yo: ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’ Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita n’yo kina Abraham, Isaac, Jacob, at sa lahat ng propeta sa Kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At makikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog, at hilaga. Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.”
PAGNINILAY:
Mas masarap gastusin ang pera na pinaghirapan keysa sa perang galing sa panandaliang yaman. Ito ang narinig ko sa aming tatay noon. Sa sipag at tiyaga ng aming mga magulang para kami mabuhay at mapag-aral, masasabi ko na nagampanan nila ang tungkulin nila sa amin. Maituturing din na paglilingkod sa Diyos, ang katapatan sa pangako bilang magulang. Gumawa ng mabuti, huwag gumawa ng masama – ang isa pang pamantayan ng kaligtasan. Pero, higit sa lahat, ang pakikipag-kapwa ang pinakamahalaga. Ang pag-gawa ng mabuti ay nakalulugod sa ating kaluluwa, sumasalamin ito sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Sikapin nating makagawa ng kahit isang mabuting bagay araw-araw. At hayaan nating maging daluyan din tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa at maging tulad ng mga hagdan patungo sa langit. Sa pangalan ng Diyos, tayong lahat ay magkakapatid. (Sr. Edith Ledda, fsp)
PANALANGIN:
Panginoon, tinatawag mo kami sa kabanalan. Turuan mo kaming tunay na makipag kapwa tao. Tumulong nawa kami ng walang pasubali at may kasiyahan sa puso. Amen.
