Daughters of Saint Paul

BAGONG UMAGA

ENERO 9, 2022 – UNANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

Purihin ang Diyos sa pagpasok natin sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon, at Kapistahan din ng Pagbibinyag sa Panginoon. Sa pagdiriwang natin ng Pagbibinyag sa Panginoon, sinasariwa din natin ang ating binyag, na naging daan upang maging mga anak tayo ng Diyos, at kapatid ni Kristo Hesus. Ang Sakramento ng binyag ang nagbigay sa atin […]

ENERO 9, 2022 – UNANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon Read More »

ENERO 7, 2022 – BIYERNES San Raymundo de Penyafort

Magandang-magandang araw ng Biyernes kapatid kay Kristo!  Dakilain natin ang Panginoon sa maraming pagkakataong pinagaling Niya tayo sa ating pisikal at espiritwal na karamdaman.  Ano naman ang tugon natin sa natamong kagalingan?  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul!  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Lukas kabanata Lima, talata Labindalawa hanggang Labing-anim.

ENERO 7, 2022 – BIYERNES San Raymundo de Penyafort Read More »

ENERO 6, 2022 – HUWEBES San Andres Bessette

Magandang buhay ginigiliw kong kapatid kay Kristo!  Pasalamatan natin ang Panginoon sa biyaya ng ating pananampalataya, na lalo pang pinatatatag ng Kanyang Salita.  Sa bisa ng ating tinanggap na binyag, pinagkalooban din tayo ng Espiritu ng Panginoon upang maging Kanyang misyonero na inatasang ipangaral ang Mabuting Balita sa ating salita at gawa, at sa ating pamumuhay.  Paano ka

ENERO 6, 2022 – HUWEBES San Andres Bessette Read More »

ENERO 3, 2022 – LUNES Ang Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus

Isang mabiyayang araw ng Lunes Kapatid kay Kristo!  Ikatlo ngayon ng Enero, ipinagdiriwang natin ang Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus…  Idulog natin sa Kanyang Kabanal-banalang Ngalan ang mabubuti nating hangarin sa araw na ito.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul!  Ikaw ba ay bearer ng Good News o Fake News?  Bago po natin ito sagutin, pakinggan muna

ENERO 3, 2022 – LUNES Ang Kabanal-banalang Ngalan ng ating Panginoong Hesus Read More »

ENERO 2, 2022 – LINGGO Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon (Epifania) – (ABK)

Purihin ang Diyos sa pagdiriwang natin ngayon ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon.  Ako po muli si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul!  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Mateo kabanata dalawa, talata isa hanggang Labindalawa. EBANGHELYO: Mt 2:1-12 Pagkapanganak kay Jesus sa Betlehem sa Judea, sa panahon ni Haring Herodes,

ENERO 2, 2022 – LINGGO Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon (Epifania) – (ABK) Read More »

ENERO 1, 2022 – SABADO Bagong Taon – Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

Happy New Year 2022 sa ating lahat! Purihi’t pasalamatan natin ang Diyos sa napakaraming biyaya at pagpapalang tinanggap natin sa nagdaang taon. Lalo na ang biyayang buhay pa tayo hanggang sa sandaling ito sa gitna ng pandemyang kumitil na ng maraming buhay.  Kaya ihabilin natin sa Panginoon ang bagong taon sa ating buhay sampu ng ating

ENERO 1, 2022 – SABADO Bagong Taon – Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Read More »

DISYEMBRE 31, 2021 – BIYERNES – IKA-7 ARAW SA PAGDIRIWANG NG PASKO | San Silvestre

Purihin ang Diyos sa huling araw ng Taon 2021.  Pasalamatan natin Siya sa di mabilang na mga biyaya at pagpapalang tinanggap natin sa buong taon, lalo na ang biyayang buhay pa tayo sa kabila ng pandemya.  Humingi rin tayo ng kapatawaran sa maraming pagkakataong nagkulang tayo sa pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Ako si Sr. Lina

DISYEMBRE 31, 2021 – BIYERNES – IKA-7 ARAW SA PAGDIRIWANG NG PASKO | San Silvestre Read More »