Ebanghelyo: Juan 6:51–58
Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”
Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Paano tayo mabibigyan ng taong ito ng Karne para kainin?” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi n’yo kakanin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman. at umiinom ng aking dugo, at ibabangon ko siya sa huling araw.
“Sapagkat tunay pagkain ang aking laman at tunay inumin ang aking dugo. Ang ngumunguya ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay namamalagi sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama at may buhay ako dahil sa Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang makakain sa akin.
“Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.
Pagninilay:
Sa bawat misa naririnig po natin ang mga salita ng ating Panginoon: “Do this in memory of me” — Memory. Pag-aala-ala ho sa tagalog. Our memory is a human faculty that is so powerful.
Ayon po sa aking research napakaraming uri ng memory, sensory, short-term, long-term. At ang pinaka-ginagamit ay ang sensory memory — na ginagamit natin kada-segundo. Echoic memory — pandinig, Haptic memory — pandama, Gustatory memory — panlasa, Iconic memory — pagtingin, Olfactory memory — pang-amoy.
Gaano kalaki ang human memory, 2.5 Milyon gigabytes—enough to record 300 years of video recordings in HD! Wow Lord, sinecure mo talaga na hindi ka namin malilimutan.
Haptic memory — hinawakan niya ang tinapay, ang alak. Iconic Memory — iniabot niya sa kanyang mga alagad, Echoic memory — at sinabi…Ito ang aking katawan, dugo, inihahandog ko sa inyo. Gustatory at Olfactory — panlasa at pang-amoy…matapos ang hapunan..kumain sila at uminom.
Sinigurado ni Lord na hindi dapat natin SIYA malimutan, at tulad ng napapakaraming storya ng kanyang pagbibiyaya — hinigitan pa niya — hindi lang natin inaalala, ito’y ating ipinagdiriwang sa bawat misang ating inaalay…kung saan patuloy niya tayong binubusog sa ating pakikinig sa kanyang salita, kapayapaan sa ating damdamin, pagtingin sa ating pagkagutom at uhaw, kaya tayo’y pinakakain, patuloy siyang nalalasahan, naaamoy.
Kapanalig, marami ka bang bad memories? Huwag ka na mag-alala, para sayo ang linggong ito — kumbinsihin ang sarili na sa kabila ng lahat — Hindi tayo nililimot ng Diyos, at tayo din, sana ang mas huwag makalimot sa kanya… lapit, simba, dahil sa bawat misa doon siya’y tunay na buhay, kapiling, kausap, pinagsasaluhan natin. Amen.
- Fr. Vinz Arellani, ssp l Society of St. Paul