Ebanghelyo: Mt 16:13–19
Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”
Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.
At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”
Pagninilay:
Kapansin-pansin na kapag sikat ka, kahit tahimik ka lang, may opinion pa rin ang tao tungkol sa’yo. Kapag pumayat — “may problema yata.” Kapag tumaba — “napabayaan sa kusina!” Haaay, bir chismis ng bayan!
Ganoon din si Jesus noong panahon Niya. Maraming followers, maraming obs-ervers, maraming may opinyon: prophet, teacher, miracle worker. Pero kapansin-pansin sa Ebanghelyo ngayon, tumigil si Jesus sa tanong na “Ano ang sabi nila?” at naging personal ang usapan: “Who do YOU say that I am?” Direkta. Pusong nagtatanong.
Marami ang marunong tungkol kay Jesus pero kakaunti ang tunay na sumusunod kay Jesus. Madaling magsimba, madaling mag-post ng Bible verse, madaling magsabi ng “God bless.” Pero kapag forgiveness na ang hinihingi, humility, sacrifice, honesty — doon nasusubok kung sino talaga si Jesus sa buhay natin.
Tingnan natin sina San Pedro at San Pablo. Hindi sila perfect. Si Pedro nadapa sa takot at pagtatatwa. Si Pablo naman dating tagausig ng mga Kristiyano. Pero parehong binago ng personal nilang encounter kay Cristo. Kaya naging matatag silang haligi ng Simbahan. Nang sabihin ni Pedro, “You are the Christ, the Son of the living God,” hindi iyon memorized answer. Galing iyon sa pananampalataya at pagmamahal. Kaya ginamit siya ng Diyos.
Mga kapatid/kapanalig, faith is not just information; it is transformation. Hindi sapat na alam mo si Jesus. Kailangan makita ng iba na si Jesus ay buhay sa paraan ng iyong pagsasalita, pagpapatawad, at pagmamahal. Kaya ngayong Kapistahan nina San Pedro at San Pablo, tanungin natin ang sarili natin: Who is Jesus for me?
Option lang ba kapag may problema? O tunay na sentro ng buhay? Kapag si Kristo ang sentro, kahit mahirap ang buhay, hindi madaling gumuho ang puso. Amen.