Ebanghelyo: Mateo 10:7-15
Sinabi ni Hesus sa Labindalawa: “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay n’yo nang walang bayad ang tinanggap n’yo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandalyas o tungkod sapagkat nararapat ang manggagawa sa kanyang ikabubuhay. Pagdating n’yo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat sa kanya makituloy hanggang sa inyong pag-alis. Pagpasok n’yo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal n’yo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa. Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.”
Pagninilay:
Kailan nadumihan ng alikabok ang iyong sapatos? Tingnan mo nga ngayon baka mayroon. Shake off the dust daw. Ito ang payo ng ating Hesus Maestro. That means, kapag hindi nakakatulong sa iyo kailangang pagpagin ang alikabok. Ang dust pwedeng negativity na nagiging toxic kapag hindi natin ito ipinagpag at dala-dala natin kahit saan tayo magpunta. Kaya bitawan natin ang mga toxic influences tulad ng unhealthy relationships, bad influencers sa social media, materialistic mindset, judgmental comments. Ang lahat nito nagdadala ng negativity na nakakaapekto sa ating mental at emotional health. Bukod pa rito, let us hold on sa sinabi ni Pope Leo XIV. Base ito sa kanyang unang encyclical na Magnifica Humanitas na nilikha tayo ng Diyos sa Kanyang buong karilagan. May divine life tayo at kalakip nito ang human dignity natin. Kaya ang bawat choice natin, dapat nasusustenahan ang ating dignified life. “Do not mar our own identity. Guard with love our humanity.”
- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul