Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Oktubre 30, 2026 – Biyernes, Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

ang maging tama o maging mabuti? Sinasabi na kaya mas tumatagal ang away sa isang relasyon dahil walang gustong umamin ng pagkakamali. Parehas gustong maging tama. Subalit pagkatapos ng lahat ng tampuhan, saka natin makikita na simple lang pala ang pinagtatalunan at sana naging mabuti na tayo noong umpisa pa lang.

Sa ating Ebanghelyo, alam ng mga Pariseo ang batas tulad ng guhit sa kanilang mga palad. Alam nila ang tamang gawin at tamang asal. Mahalaga ito sapagkat ito ang nagtatakda ng kanilang kabanalan at tamang pakikipag-relasyon sa Diyos. Kung wala ang batas, maaring mapalayo muli sila sa Panginoon. Subalit dahil sa pagmamahal nila sa batas at pagiging tama, nalimutan na nila ang maging mabuti.

Nasa harapan nila ang isang taong maysakit. Ayon sa batas, dapat silang lumayo at hindi makihalubilo sa nakakarami sapagkat ang sakit ang nagpapahayag ng kanilang pagiging madumi. Higit sa lahat, araw ng Sabbath o pamamahinga ang araw na ‘yun na Sagrado para sa mga Hudyo. Kaya ganun na lang ang pagkalito ng mga Pariseo sa tanong ni Hesus, at hindi sila nakasagot. Hindi nila alam kung ano ang mas mahalaga, ang maging tama o maging mabuti.

Mga kapatid, napakaraming righteous o maging yung mga self-righteous sa ating lipunan na kailangan nilang maging tama palagi. Marahil mas kailangan natin ngayon ang mabubuting tao sa ating lipunan. Mga taong handang lumingap and would go the extra-mile para tumulong sa kanilang kapwa. Mga taong may tunay na malasakit at pusong nakakakita ng pangangailangan ng iba. Ang tunay na karamdaman sa ating lipunan ngayon ay ang indifference o walang pakialam.

–         Fr. Keiv Aires Dimatatac, ssp | Society of St. Paul