Ebanghelyo: Lucas 11:37-41
Matapos magsalita si Hesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali n’yong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan subalit nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob. Mga hangal! Hindi ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring maygawa ng loob? Ngunit naglilimos lamang kayo at sa akala n’yo’y malinis na ang lahat.”
Pagninilay:
Nililinis ninyo ang labas ng tasa, ngunit sa loob ay puno ng kasamaan. Nawawalan na tayo ng priority sa paglilinis ng kalooban dahil over and above ang concern sa external beauty. Di nga ba bilyon-bilyong commercials ang pinopost sa Facebook araw-araw? Na-ooverwhelm tayo. Napapadala sa nakalilinlang na advertisements. Nagiging obsessed na tayo sa external beauty. Just imagine sa ad na nangangakong babaguhin nang tuluyan ang iyong hitsura in a short span of time. Halimbawa, pumayat ng 15 kilo sa loob ng isang linggo o burahin ang mga wrinkles sa mukha agad-agad. Kaya kabi-kabila ang online buying at nauubos ang allowance para gumanda o gumwapo.
Pero teka, hanggang kailan ka gagastos? Hanggang saan hahantong ang iyong external beauty kung nine-neglect mo naman ang iyong inner beauty? Baka super hard na ang stain sa loob ng iyong tasa dahil napapabayaan nang linisin. Kapatid, it can be washed and made pure through honest confession and asking God for forgiveness.
Ito ang panawagan ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima. Noong taong 1917, may heavenly plea para sa ating lahat. Nanawagan ang ating Mahal na Ina na lumayo tayo
sa okasyon ng kasalanan at huwag magkasala, magpenitensya for world peace, at magdasal ng rosaryo. October 13 din noon nang may Miracle of the Sun bilang patunay sa pangako kina Francisco, Lucia at Jacinta na magkakaroon ng divine sign sa mga apparition’s ng ating Mahal na Ina. Pero ilan ngayon ang dumudulog sa confesionaryo?
Ilan ang nagrorosaryo? Ilan ang handang magsakripisyo para sa ikapapayapa ng ating
bansa at ng buong mundo? Hanggang ngayon, aware tayo bilang Simbahan sa panawagan ng ating Birheng Maria ng Fatima. Sana together tayo sa pagtugon.
- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul