Daughters of Saint Paul

ENERO 17, 2022 – LUNES SA IKALAWANG LINGGO NG TAON | San Antonio, Abad

Isang mabiyaya at puno ng pag-asang araw ng Lunes kapatid kay Kristo!  Pasalamatan natin ang Diyos sa panibagong araw, panibagong linggo upang mapapurihan Siya sa ating buhay.  Muli nating idulog sa Kanya ang mabubuti nating hangarin sa buong linggong ito, at hilinging basbasan ito at pakabanalin para sa Kanyang kapurihan.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul!  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Markos kabanata dalawa, talata labinwalo hanggang dalawampu’t dalawa.

EBANGHELYO: Mk 2:18-22

Nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo.  Kay may lumapit kay Jesus at nagtanong: “May araw ng ayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo, at wala ba namang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot nila si Jesus: “Puwede bang mag-ayuno ang mga abay sa kasalan kapag kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang nobyo; sa araw na iyon sila mag-aayuno. Walang nagtatagpi ng piraso ng bagong tela sa lumang damit.  Kung gagawin mo ito, hihilahin ng tagpi ang damit, ng bago ang luma ata lalo pang lalaki ang punit.  At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan.  Kung gagawin mo ito, papuputukin ng alak ang mga sisidlan at masisira ang alak pati na ang mga sisidlan.  Sa bagong sisidlan ang bagong alak!”

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Sr. Gemmaria de la Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Napapanahon ang binigkas na lesson ni Jesus. Ang pagpapaubaya ng luma para makapasok ang sariwa. Ito ang diwa ng Synod on Synodalityna isinasagawa natin sa kasalukuyan. Synod?  Ito yung pagtitipon-tipon sa diwa ng pagkakapatiran para sumulong at mapabuti ang balangkas ng ating Simbahan. Naiiba ang ginawang proseso this time ni Pope Francis, dahil dalawang taon ito ng pagninilay, pakikinig at tapat na dialogue sa mga kabilang ng Inang Simbahang Katoliko.  Binabalikan natin ang nagdaan, tinitingnan kung ano ang natutuhan natin sa nakalipas at kung ano pa ang dapat na iimprove. Lahat tayo inaasahang maging involved dito to “speak our mind” para sa ating tinatawag na “renewal”. Isa itong handog at the same time, isang malaking gawain. Ito ang key words: encounter, listen, discern.  Ang pagtatagpo, pakikinig at masusing pag-alam. Dahil dito sabay-sabay na susulong. Lahat nakikiisa sa tamang proseso at umaayon para sa pagtataguyod ng ating Inang Simbahan. Tulad sa punto di vista ng luma at bagong tela, o luma at bagong balat para sa sisidlan ng alak. Kailangan natin na lumingon sa dating karanasan at doon umani ng karunungan. Ito ang mga lessons learned. Ang mga natutuhan sa nakaraan, kailangan din nang may sariwang pananaw para mag-match sa panibagong idea at new concept. Sa ganitong paraan, bagamat maraming challenges, sama-sama pa rin tayong naglalakbay at nag-sasanib-pwersa para lalo nating mabigyan ng parangal ang Katawan ni Kristo—na tayo rin mismo ang kabilang. Bilang isang katawan ni Kristo, kay ganda ng diwa na nagkakaisa tayong tumatalima sa kalooban ng ating Panginoon. Kay ganda ring isipin na hawak- hawak-kamay tayong pumapasok sa malawak na pinto ng pagbabago bilang Simbahan.