Daughters of Saint Paul

HUNYO 5, 2020 – BIYERNES SA IKA-9 NA LINGGO NG TAON

EBANGHELYO: Mk 12:35-37

Sa pagtuturo ni Jesus sa Templo, sinabi niya: “ Ano’t sinasabi ng mga guro ng Batas na Anak ni David ang Mesiyas? Sinabi nga ni David nang magslita siya sa Espiritu Santo: ‘Ang sabi ng Panginoon sa aking Pangnioon: Umupo sa aking kanan hanggang ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalaim ng iyong mga paa. “Kung tinatawag siya ni David mismo na Panginoon, pwede bang anak siya ni David?” Nasisiyahan ang bayan sa pakikinig sa kanya.

PAGNINILAY:

Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Hindi kami mula sa mayamang pamilya. Ang mga gawain sa bahay ay may kanya- kanyang tuka. Mga bata pa lang kami tinuruan na kami ng Nanay na maglaba, magplantsa at magluto. Pero may mga panahon na kami bilang bata ay inaabot ng katamaran. Halimbawa, kapag Sabado, at walang pasok, nakakatamad gumising ng maaga… Kapag ginigising na kami ng Nanay namin, kami ng ate ko patagalan sa pagbangon. Sasabihin ng nanay namin, “Hay naku!  mga batang ito, naibigay na ng Diyos sa iba ang biyaya na para sa inyo”. “Naku! mahirap talagang gisingin ang dati ng gising”. Katulad din ito ng tao, na ayaw mapagsabihan o mapangaralan, nagbibingi-bingihan. Ang mga pariseo sa pagbasa ngayon ay may katigasan ng ulo. Sila kumbaga ay gising na sana, sa mga pagpapatunay ni Jesus na siya ang Mesiyas, sinugo ng Diyos Ama, pero dahil sa katigasan ng puso at isipan, hindi tinanggap si Jesus bilang Mesiyas. Sarado ang kanilang isipan, matigas ang kanilang puso. Para sa mga pariseo ang mesiyas ay hindi maaaring ipako at mamatay sa krus. Para sa kanila ang ipapadala ng Diyos Ama ay isang malakas na mandirigma. Matigas ang kanilang puso kaya hindi nila tinanggap ang pagyakap ni Jesus sa krus, na siyang tunay na naging daan ng ating kaligtasan. Mga kapatid, sa pang-araw-araw nating pamumuhay, may mga pinaniniwalaan tayo na ating gabay upang kumilos at mabuhay. Meron tayong punto de vista, target o pangarap na nais nating marating at maisabuhay. Hinahayaan ba natin ang Diyos na kumilos sa ating buhay? Tinatanggap ba natin si Jesus na nagbuwis ng buhay sa krus para sa ating kaligtasan? Harinawa, Harinawa, Amen.