Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Agosto 12, 2026 – Miyerkules

Ebanghelyo: Mateo 18:15-20

Sinabi ni Juan sa kanyang mga alagad: Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi parin makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano.

             Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian n’yo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan n’yo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Ngalan ko, kapiling nila ako.”

Pagninilay:

May mga utos ang ating Panginoong Hesus na totoo namang mahirap gawin. Mahalin Ninyo ang inyong kaaway, Panginoon, ikaw na ang magmahal, ako na lang bahalang gawing miserable ang kanyang buhay! Pag sinampal ka sa kanang pisngi, ibigay mo din ang kaliwang pisngi. Ay hindi ako papayag, pagkasampal, bugbog dapat. Magpatawad ka ng pitong beses at higit pa…Ahh isang patawad, pitong beses na sumbat.

Natutuwa po ako sa sinabi ni GK Chesterton isang manunulat: marami ang nagsasabing madaling sabihin yan pero mahirap gawin…pero sa totoong buhay mahirap gawin kasi hindi natin sinusubukan. Many found it difficult but we never tried.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay isa sa mga mahirap gawin pero sa totoo lang po, very logical. Sinasabi ni Hesus, emosyon ang magalit sa kapwa, pero may paraan upang maiexpress natin ito nang tama. Lumapit, pag-usapan, kumuha ng mga saksi, kung ayaw makinig ituring silang publikano o Hentil. Nakakatuwa dahil sa maraming pagkakataon ang mga pinatawad at minahal ni Hesus ay mga publikano’t Hentil. In short, wala tayong takas lahat ay marapat nating patawarin at mahalin.

Mga kapanaligHindi tayo pinipilit ni Hesus. Gabay ang kanyang pahayag sa atin ngayon. Ang hiling siguro nya ay i-TRY mo lang, Try lang natin. Ayaw niyang sarado na tayo. Pero, kilala ni Hesus ang mga nagsusumikap para matupad ang utos niya. Amen.

  • Fr. Vinz Aurellano, ssp | Society of St. Paul