Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Agosto 4, 2026 – Martes

Ebanghelyo: Mateo 15: 1-2, 10-14

Nagkatipon sa paligid ni Hesus ang ilang Pariseo at mga taga turo ng Batas na galing pa sa Jerusalem. At sinabi nila sa kanya. Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang tradisyon ng mga ninuno. Hindi nga sila naghuhugas ng kamay bago kumain.  Oo nga hind inga sila nag huhugas ng kamay bago kumain. Kaya tinawag ni hesus ang mga tao at sinabi sa kanila at sinabi: “Pakinggan at unawain Hindi ang pumapasok sa bibig ang nag paparumi sa taom Kundi ang lumalaba sa bibig s ang nag paparumi ng tao. Pagkatapos ay lumapit ang mga alagad at sinabi: Alam mo bang naiskandalo ang mga Paresio sa sinabi mo. Ganun nga po ang nangyari. Sumagot si Hesus: Ang bawat tanim lamang ang hindi itinamin ng aking amang nasa langit ang mabubunot. Huwag mo silang pansinin. Mga bulag na gabay sila, kapag isang bulag ang umakay sa kapwa bulag, silang dalawa ang mahuhulog sa hukay.

Pagninilay:

Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Sa Ebanghelyo kahapon, sinabi ni Hesus: “Huwag kayong matakot, ako ito! At sinagip niya si Pedro nang ito’y lumubog matapos maglakad sa ibabaw ng tubig. Bukas naman, pagagalingin ni Hesus ang anak ng Cananeang inaalihan ng demonyo. Sa gitna ng dalawang himalang ito, tila out of place ang Mabuting Balita sa araw na ito. Hindi isang himala kundi pakikipag-usap sa ilang mga eskriba at Pariseo na nagtatanong tungkol sa mga gawi ng mga alagad. Sumagot si Hesus: “Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.” Halos pag-uulit ito ng sinabi niya sa kabanata labindalawa, talata tatlumpu’t apat: “From the fullness of the heart, the mouth speaks… Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig.” Ibig sabihin, nagmumula ang iyong mga salita sa iyong pinakamalalim na iniisip, paniniwala, at pagkatao. Nagpapakita ang palagi mong sinasabi kung sino ka talaga sa iyong kalooban.

Katulad din ito ng kasabihang “Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.” Kung namumunga ang puno ayon sa kalusugan nito, ang ating pang-araw-araw na pananalita ay hindi maiiwasang sumalamin sa kalagayan ng ating kalooban. Kung gusto mong baguhin ang iyong sinasabi, kailangan mong magsimula sa pamamagitan ng pagtuon sa kung ano ang pinapayagan mong pumuno sa iyong puso at isipan.

Hindi ba very timely ito para sa atin dito sa Pilipinas habang isinasagawa ang impeachment trial? Makikilala natin kung sino talaga ang tao hindi sa panlabas na anyo, sa kanyang kayamanan o posisyon, kundi sa mga salita na namumutawi sa kanyang bibig. Pakinggan natin ang babala ng Panginoon: “Sila’y mga bulag na tagaakay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.” Kapanalig, ano ang sinasabi mo? Ano ang pinaniniwalaan mo? Kanino ka nagpapaakay?

  • Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St Paul