Ebanghelyo: Mark 5:21-43
Pagkatawid ni Hesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkalipumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat.
At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay. Kaya umalis si Hesus kasama niya at sumusunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya.
Nagsasalita pa si Hesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang” At wala siyang pinayagang sumama sa kanya, maliban kina Pedro Jaime at Juan na kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang kaguluhan, may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan. Pumasok si Hesus at sinabi: “Bakit nagkakagulo at nag iiyakan hindinpatay ang bata, kundi natutulog lang at pinagtawanan niya siya. Ngunit pinalabas ni Hesus ang lahat at ang Ama at ang Ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan.
Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.
At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Hesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.
Pagninilay:
Isinulat po ni Sr. Antonieta Molina ng Daughters of St. Paul ang pagninilay. Sa Mabuting Balita ngayon, lumapit kay Hesus ang mga taong may mabigat na dinadala ngunit matibay ang pag-asa. Nagmakaawa ang isang ama para sa kanyang anak, at isang babae ang tahimik na humipo sa kanya upang gumaling. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kahit na matindi ang kanilang takot at punumpuno sila ng kalungkutan.
Hindi lamang ang karamihan sa paligid ni Hesus ang humipo sa Kanya; naantig rin ang kalooban ni Hesus sa kanilang pananampalataya. Malumanay niyang sinabi, “Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang.”
Nananatili si Hesus ngayon sa ating piling sa Eukaristiya. Tahimik Siya at nakatago, ngunit tunay na naroroon at buhay. Kapag tinanggap natin Siya, dinadala natin sa Kanya ang ating mga sugat at paghihirap. Tulad ng babae, lumapit tayo sa kanya nang may tiwala. Tulad ng ama, patuloy tayong manalig kahit halos wala nang pag-asa. Pinagagaling ni Hesus ang ating mga puso at binibigyan niya tayo ng bagong pag-asa. Sa Eukaristiya, pinapanibago Niya tayong muli at binibigyan ng kapayapaan. Amen.
- Sr. Antonieta Molina, fsp l Daughters of St. Paul