Daughters of Saint Paul

NOBYEMBRE 13, 2022 | IKA-33 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Purihin ang Diyos sa pagpasok natin sa ika-tatlumpu’t tatlong Linggo sa karaniwang panahon ng ating liturhiya. Pasalamatan natin Siya sa mga Salitang gumagabay sa atin at nagpapalago sa ating buhay pananampalataya. Ito po muli ang inyong lingkod, Sr. Amelyne Paglinawan/ ng Daughters of St. Paul! Ihanda  na natin  ang sarili sa pakikinig sa Mabuting Balita ngayon.

EBANGHELYO: Lk 21:5-19

May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinasabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Hesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Hesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan na magsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n’yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at naglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit. Peru Bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Sasapit ito sa inyo para makapagpatotoo kayo sa akin. Isaisip n’yo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karununganng hindi matatagalan o masasagot ng lahat ng inyong kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. Sa inyong pagpapakatatag, ang mga sarili ninyo mismo ang inyong makakamit.”

PAGNINILAY

Pagpinag-uusapan ang “end of the world” marami sa atin ang natatakot o ang iba iniiwasan ang ganitong paksa. Bakit ba tayo magbabalisa kung ang araw-araw na pagtawag sa atin bilang mga Kristiayano ay ating sinasabuhay? Ang katapusan ng mundo ay hindi katapusan ng pag-ibig ni Kristo. Siya ay mananatiling tapat sa kanyang katangian, ang pag-ibig at ang patuloy na magmahal. Maari tayong laksihin ng ating mahal sa buhay at kaibigan ngunit ang Diyos, si Kristo hindi niya tayo pababayaan at mananatili siyang tapat sa kanyang pangako – ang kaligtasan na nagmumula sa lubos at liglig na pagmamahal.